History of Talisay


Alamat (Barangay na Pinagpala)
    



 

Dati itong malawak na kabukiran na naliligiran ng malalaki at maliliit na punongkahoy. May iba’t ibang uri rin ng mga ligaw na damong dito’y sumisibol. Subalit namumukod ang mga punong may malalabay na sanga, may malalapad na dahon at may maliliit na bungang animo’y munting puso. Dito sinasabing hinango ang ngalan ng barangay, sa punong Talisay na sadyang nabuhay dito sa lugal na ngayo’y tinatawag na Barangay TALISAY.

    May isang bersyon pa ng sinasabing pinagmulan ng pangalan ng barangay TALISAY.

    Ayon sa matatanda, ang pook na tinatawag ngayong TALISAY ay dating isang makitid na dakdak na nag-uugnay kahit noon pa sa Puerto Rivas at sa bayan o Poblacion. Naging daan ang dating dakdak na umabot sa 400 metro ang haba. Nabigyan ito ng pangalang TALISAY dahil ito ay isang lugal na katabi ng malaking ilog, ang ilog TALISAY.

    May isangdaang taon nang kinikilalang pamayanan ang Puerto Rivas bago pa nagsimulang tumira ang mga tao sa TALISAY.

    Ang dating sakop ng TALISAY ay nagmula sa may kalagitnaan ng ngayo’y Bataan Sports Complex na nasa gawing Timog ng Paaralang Elementarya ng Balanga. Humahangga naman ito sa may likod ng bahay ni dating Gobernador Adelmo Camacho, Sr. sag awing silangan.

    Nadagdagan ang kalupaan ng TALISAY nang magkaroon ng pagbabago ng direksyon ng Ilog Talisay. Nasakop ng TALISAY ang maliliit na bahaging dating sakop ng Sta. Rosa, Pilar.

    Nang matuyo ang dating katubigan na kung tawagin ngayo’y Doña Francisca ay inakala na marami na madaragdagan pa ang sukat ng TALISAY na umabot lamang sa 20 ektarya. Ngunit hindi ito nangyari sapagka’t ang nabuong subdibisyon ng Doña Francisca ay nagsarili hanggang sa matatag bilang isang barangay.

    Naganap ang malaking pagbabago sa TALISAY noong ilipat dito ang Paaralang Elementarya ng Balanga taong 1910. Kasunod nito ay paunti-unting natayo ng mga kabahayan sa paligid ng paaralan. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring gaanong pagbabago sa sukat ng TALISAY. Naragdagan lang ito ng mga kabahayan sag awing silangan ng paaralan, sa katapat halos ng itinayong Balanga Eternal Memorial Park                                                                                                                                      

Comments